ang ngayon
sulat. !@#$%^&*() bura !@#$%^&*( sulat ulit !@#$%&*() bura ulit !@#$%^&*(
sulat bura sulat bura sulat bura sulat bura.
Sige, sisimulan ko na.
ALOHA! WELCOME MY DEAR READER!
Ito ang patapong blog ni Monica. Narito ang mga saloobin ko noon at ngayon na hindi pinagisipan at isinasalaysay ng mabuti.
Mula nang magpagawa ako ng multiply account eh doon na ang mga maayos na entries at dito ang mga basura. :))
Siya nga. Ang mga susunod mong mababasa ay isa sa mga patapong laman ng aking utak at damdamin (naks heavy)
Syempre marami raming nagaganap sa buhay ko, tulad ng sa mga buhay niyo. Lahat ay magkakaugnay, kung hindi man kumplikado.
Maraming pagbabagong hatid ang pagpasok ko sa kolehiyo.
Simulan na lang natin sa aking sarili.
Masaya ako dahil marami akong natututunan, marami akong nakikita na hindi ko dati nararating noong HS. Gusto ko ang kalayaan ng kolehiyo. Nalulugod ako sa mga pagbabagong napatatagumpayan ko sa aking sarili.
Sa kabilang banda, mahirap rin pala.
Mahirap sumabay sa samu’t saring agos ng pagbabago. Grabe. Kasimbilis ng pagpapalit ng technolohiya, nagiiba ang bawa’t aspeto ng buhay ko. Biglang katapusan na ng mga nakasanayan ko.
Isa sa mga nananatili sa ngayon ay ang lablayp. Nyak! Hahaha. 1 year young. Nagpapasalamat ako sa mga alikabok at mga elementong nagpapanatili rito. Hindi man madali ang mga pinagdaanan nito, salamat at nandito ito ngayon sa tabi ko. Err. Marami akong natutunan mula sa pagmamahal na ito. Higit sa lahat, maraming nagbago sa sarili ko sa ngalan nito. (JUSME ang jologs ha) etc etc etc.
Ang tahanang dating ayaw kong uwian ay madalas ko nang pinamamalagian.
SHIT 5PM NA. NEED TO GO. tuloy ko na lang ulit.
kahirapan
course / career
kamag anak
ugali
social life
etc
frustration
nakakalungkot. namimiss ko na ang mga kaibigan na kakwentuhan ko. Busy kasi sila. (bakit ako parang hindi? ??? ok naman ata ang status ng to-do ko) Mali na iniaasa ko sa isang taong to na mararamdaman niya kung may bumabagabag sa akin at pipilitin niyang makinig sa aking sasabihin. Mali kasi may mali din naman ako.
minsan hindi lahat ng inaasahan mo nagkakatotoo.
kahit gano man kasakit, wala kang magagawa kung hindi.
ewan ko kung bakit ito ang tnatype ko.
sige ayusin ko next week? haha