usap
Hi blog! Gusto ko ng kausap na sumasagot, nahahampas, niyuyugyog, inaalaska, pinagtatawanan, kinukulit, nililito sa nararamdaman ko, at iba pa. haha!
kausap drought ngayon ano? hayay.
madami akong ikkwento dapat… kaso 7pm na, wala pa akong nagagawa. Mamaya na bago matulog saka magdrama.
Hayay.
Anong gagawin ko pag namimiss kita? Wala, tutunganga. Haha. Anong gagawin ko pag ‘di na kita makita? Wala, iisipin na ganun lang talaga. aw, kalungkot diba? Hehe. Oh, tama na drama. Smile na ulit! baka maiyak ka pa
Tumatanda na si Monica. Patay tayo jan! Dati hindi ko matanggap na 15 years old na ako. Shoot! ilang buwan na lang, 18 na ako! Katandaan, nakupo! Hehe. Hindi na pwedeng takasan ang mga bagay na dati ay iniiwasang tanggapin. Ang katotohanan ay patuloy na magigging katotohanan. Mabuhay ka sa katotohanan ng kasalukuyan - ang tanging paraan para takasan iyan.
Nanood ako kagabi ng Hinabing Pakpak ng ating mga anak. Sadly, may mga part na hindi ko masundan. Either masyadong mabilis magsalita o masyadong malalim yuong sinasabi nila. Simple lang ang tema, pangkaraniwan kumbaga. Pero itong maliliit na bagay na madalas nating isinasawalang bahala dahil nakakasawa ang maglilitas satin sa "kasakdlakan" na sinasabi natin. Sayang, pagod na talaga ako kahapon kaya ‘di ko maalala ung mga ideyang pumasok sa isipan ko. Alam ko mahalaga yun.
We have until October baby. Carry on *wink