Archive for June, 2008

thought thoughts. whew, too long. soree

Sunday, June 22nd, 2008

Hello J pa blog blog pa ako ngayon ano? Ang tamad namang mag-ayos ng profile at gumawa ng multiply account. Tsk tsk tsk. Well, gusto ko lang sabihin na bumabagyo. Joke. Kahapon ko pa ginawa tong post at inubos ko yung battery ng laptop. :D Hindi na pala ako ligtas sa signal no 2 ngayon. College na ako, pag signal no. 3 na lang kami walang pasok. Naalala kong sinasabi ni mommy noon na masama daw yung pagnanais kong bumagyo pa ng mas malakas para lang sa makasarili kong kagustuhan na hindi pumasok sa eskwelahan. Oo nga, tama. Hindi ko kasi ramdam yung sitwasyon ng mga taong nasasalanta ng bagyo. Nakakalungkot diba? Ikaw na sarap na sarap sa pagkakahiga, nakatalukbong sa kumot habang nakabukas pa rin ang bintilador at nanonood ng tv… etc etc. pero kahit naka tune sa news programs ngayon, hindi pa rin ako gaanong nakakapakinig. Lipad ang utak, as usual.

 

P.S. kailangan nga din pala natin ng malakas na bugso ng ulan para mapuno ang mga dam at maging patuloy ang supply ng tubig. Ewan. Trying hard tagalog to pare.

 

Mahilig ako mag isip. Isip isip isip. Pero tanga ko magsabi/magkwento (minsan kapag kailangang pagingatan ang pagsasabi lalong

Malabo

ako magsalita) at magsulat. Minsan nalulugod naman ako sa mga gawa ko pero pangit pa rin. Hehe. Pangarap ko pa namang makapagsulat ng libro na makikita sa mga estante ng National. :D English 1, nakakaantok naman yan. Cute yung teacher ko(PROFESSOR NGA! Di pa ako sanay ih), nakakatuwa. Bata pa siya nagtuturo na ng mga bata ring naghahanap o tinatahak ang direksyon sa buhay.

Sana

mapagbuti ko? Practice practice! (woooh pero mamaya nanonood lang yan ng tv, nagttxt,nakatunganga, naglalakad lakad, nakikipagusap sa kung kani-kanino, naghahanap ng sagot sa mga tanong, blah blah blah. Monica talaga.)

 

Speaking of my kapalpakans, TANGA parin pala ako. Hehe. Akala ko ready na ako sa digmaan (kuya seso words), hindi pa pala lubos. Madalas parin akong nanghihinayang. Damn Regret nga daw sabi ng Red Jumpsuit Apparatus. Nye, you must be kidding? Anyway, nakakaasar noh? Ano bang pumipigil sayo? But the most pressing question is “Ano bang kinahihiya mo?!?” Haynako. Monica Mae P. (pag nakukulitan na ang mga kaibigan ko sa mga kabaliwan ko yan ang maririnig mo). Siguro, masyadong napako sa utak ko yung STEREOTYPICAL… oo. Tanga ka nga lang talaga.

M: May dapat ka bang ikahiya?

m: Wala.

[at ako ay nakikipagaway sa sarili ko ngayon. Bwisit]

M: Madami kayang mas pangit sayo!

m: Oo nga! alam ko. (bwahahaahahahah ang abnormal ko noh?)

M: Eh ngayon, anong pinoproblema mo?

m: wala po.

Kabam! #&^?!(&^R

 

At jan, hindi pa rin tapos ang problema sa utak ni Monica. Si Monica na madami nang sinayang na pagkakataon sa buhay niya.

 

 Pero may isa pang dahilan. Dahilan nga ngayon lang nagging kasing linaw ng malinaw sa’kin. Father loss sabi sa book ni Heather Harpham na Daddy, Where Were You? Nakakahiyang aminin pero… (hay wala namang nakakahiya sa pagsabi ng nararamdaman diba? So eto) Like

Sharon

, women experience tha same legacy of father-loss. These are: despair, low self-esteem, and intense longing for male approval and acceptance. Oo. Oo. Oo. Bata pa lang ako. At ang sabi pa sa book niya, (in my own words) “you don’t have to search for it in other men, or in the wrong places. Remember that above anyone else, our first and heavenly father the Lord God is more than enough for us”. Ang masama, hindi ko pa tinatapos yung book. :D

 

 Connected din dyan yung relationship with the other sex. Mahirap o hindi ko alam ipaliwanag sa kaniya na I am this because of this. Bakit? Kasi Malabo pa rin sa sarili ko, pano ko ipapaliwanag ang di ko masyadong gets? Hehe. Pero eto muna yung masasabi nung libro jan, (read on) “Today, we are grown women, some of us have husbands and children of our own. On the surface, it appears we are no longer affected by the father-loss we experienced as children. But in our hearts is a father-shaped void. Somewhere inside, a little girl still searches for all her father failed to give her”. At hinahanap niya yun sa mga lalaking nakapaligid sa kaniya which is wrong. :D Ayun.

 

 

Tama na yan. Hinahanap ko ang direksyon na pupuntahan ko sa mundo. Shocks mahirap. Madami sa mga kakilala ko, alam na alam kung anong gusto nila. (most of them are my Assumption Antipolo batchmates) Yun yung kainaman sa private eh, they could pursue what they want regardless of their skill or aptitude sometimes. Basta gusto at gagawin lahat para sa gusto, go! Hehe. Mejo kalungkot kasi feeling ko wala akong ginagawa, nananatiling “audience” kumbaga.

 

Naaalala ko si Mam Pura. Ang sabi niya sa’kin. Monica you know what? I KNOW MY STUDENTS. I believe in your capabilities in speech and communication. If you were to ask me, I want you to take communication arts. Wow. Kahit yun yung practice ng municipal after card day at halos hindi na ako pumasok sa classes niya. Noon, ang tanong ko, “Why don’t you leave me alone?” Pareparehas naman kami halos ng ginagawa pero apple of the eyes (negative) ako. Mamimiss ko rin pala yon. Ngayon, wala nang sisita sakin na “O monica nakasimangot ka nanaman!” Si Mam Vangie, “Bakit ka nakanguso?”. Nakakatuwa.

 

Anyway, diba madami akong gusto? Pati nga sila nalilito kung ano daw ba talgang gusto kong gawin. Napakarami daw. One day, that was our first meeting in geology class. Sabi ng prof., “That’s why here in UP we give you the freedom to choose your GE subjects in the different fields-Math & Science, Arts and Humanities, PE, etc. It is to develop well rounded scholars.

Doon

ako napaisip. Baka kailangan ko nang alamin ASAP kung ano yung pinaka sa lahat ng gusto ko. Bakit? Kasi pwede ko namang matutunan din yung iba pa, pwede ko pa ring gawin yung iba pa. Parang ECA. Well roundedness.

 

And then, after the long series of O.R.I.E.N.T.A.T.I.O.N.S. na sinabayan ng sabi ni mommy na “Anak, 3 taon na lang. Pagisipan mong mabuti” Shocks. Tourism na ba talaga? Isip isip isip… O business Administration? Isip isip isip. Magshishift ka pa ba? O Hindi na? Kung oo, sa anong course?

 

Natuwa ako sa pagbisita ko ng UST nung Wednesday. Bakit? Kasi mas lalo kong naapreciate yung school ko.

Parang

High School

lang kina Janina. Samin, hindi.

Malaya

ka. Masaya, masaya talaga. Ang sabi nga, ang UP parang maliit na Pilipinas. Oo, pero hindi rin masyado. Why?

Philippines

minus the widespread crime. Madami pang iba, nakalimutan ko lang.

 

Medyo nahanap ko ma meaning nung dream ko. Pero tinatamad na akong magbasa. Di pa nga ako tapos sa school work. Haha.

 

Thanks! *salute

 

Saturday, June 14th, 2008

With so many things going on in your busy life, you’re craving stability. Fortunately your partner is happy to provide it. Let them be your anchor. When everything else feels uncertain, they’re there for you.

talaga? :’( he has demands i cant give. pano pa pag kami na? hay love, why are you so complicated? Tinatama ko lang yung mga mali ko nuon. Sana nandyan ka lang

i’ve just realized… i get strength from him. Im staying positive. Pero, he’s growing impatient. Oo, naiinip.

i’m hurt. good night blog. dami dami ko pang gagawin sad pa ko :’( kaya natin yn! kung kaya nga nila eh, ako rin! haaay. sana di sabayan ng sermon ni mommy.

i’ll always be better. *salute

fine

Sunday, June 8th, 2008

yehey blog. magbubura na ko ng mga drama ko.

ang pangit ng araw na to. leche.

haha. una, dahil pangit ka. pangalawa, pangit na rin ako para damayan kita. pangatlo, pangit na rin sila kasi pangit tayo. brf. nonesense.

ang mganda lang pala sa araw eh Sunday ngayon. It’s the Lord’s day. pero hindi ako nakapagsimba. walang kwenta. Sabi ko tatapusin ko yung libro pero mukang hindi ko magagawa. At pinaiyak nanaman ako ni mommy. May masahol pa naman sakin diba? may nagddrugs at marijuana, may nakakapatay pa. Haynako. Sabi nga ni Janina, para daw tumigil na xa eh sundin ko na mga gusto niya. Ayoko nga (yan naman pala problema eh. ikaw din may ayaw. magdusa ka) pero… *masarap magmura, pare*

oh tama na.

Ngayong summer, tinanong ako ng mommy at daddy ni bom tungkol sa course at future plans ko. okay naman. Naiwan nga lang yung tanong na "Ano ba talaga yung gusto mo?" sabi din ni Doc Aristotle whoever na UP grad, dapat alam mo talaga kung anong gusto mo.

Ang sagot ko sa kanila, puro ngiti.

Pero, alam ko naman talaga kung anong gusto ko. Bata pa ko, alam ko na yun. Napakadali namang iobserve sakin kung saan talaga yung hilig ko. Im very passionate about it not to mention my eye for beauty. Pero, walang lakas ng loob ipursue? haha. Mejo kinahihiya ko naman yun dati. pero tapos na ko dun ngayon. Dalawa lang naman pumipigil sakin. MOMMY at KATOTOHANAN. Mommy na ayaw sa gusto ko at walang bilib sa ipinapakita ko. Katotohanan na its the world of RISKS. Madami na kasing sumusugal dun, mga tinatawag na starving artists. Masyadong madami kaya konti yung nakikilala.

Wala lang. Hindi ko kayang ipaliwanag yan sa loob ng isang pangungusap kaya inginingiti ko na lang. Sabi nga ni mommy, kapag nakaipon kna at may pera kna. Saka mo nalang gawin at pagaralan yang mga gusto mo. Since ganto kahirap ang buhay hindi lang sa Pilipinas at walang makakapagtanggi nun, oo kakayanin ko. Sana lang, di ako magexpire. LOL.

nakakaasar si bom. or it’s just me? haha. ewan ko dun. pero kahit knina pko ngrereklamo dun, mahal ko yun. pano nga kaya sa pasukan? ngayon ko lang naisip eh. dna masyado makakapagtxt at magkikita cguro. sana di mawala. May mga dapat pala kaming pgusapan pero busy ata maglaro. saka nga nga, madami pa namang next time diba? reserve na lang. mahal kong mataray ngayon. sana mas madalas na sweet. :D

ayay. sinabi ko sa sarili ko, ayusin muna sa bahay bago mag venture ulit sa relationship… Ay monica, walang isang salita? *buzz!* pwede mo namang gawin na NGAYON ang dapat para maayos sa bahay diba? oo pwede, bobo lang ako :( sana matupad ko bago. sana tulungan ako ni bom? ??????? eh "nasasayo naman yun". oo nga. yay

patiag! bati na tayo… nako naman. magdadalawang buwan na tayong hindi bati! sana basahin mo tong blog ko. linchak ka. dude bati na taaaayoooo!!!!!!!!!!!!!!!! wala akong mabully! hehe joke. i can only make you laugh like that! (so?) haha. tae mo hmph

bakit ba ang mga lalaki pag nagalit/nagtampo/naasar eh daig pa babae magtaray?! at soooobrang hirap pang suyuin. mahn. linchak kayo. haha

at dahil ganon, kailangan nang gawin ang mga letter at ilabas ang dapat ilabas. *takbo sa cr* JOKE. ang corny ko naman.

PEACE. (peace daw oh)