patunguhan
May 8th, 2009 by bodegaMaswerte ako at nakatindig ako sa kinatatayuan ko. Iba iba ang porma ng mga nasa kanan at kaliwa, gayundin sa nakaraang nilisan- mayroong pilit tumitindig, mayroong nakayuko, mayroon nakaluhod, mayroong gumagapang, mayroong hindi man lang makabangon.
Maswerte ako at may tinatayuan ako. Maswerte ako at may nahahawakan ako. Maswerte ako at mayroon akong natatawag na akin. Mas maswerte ako kaysa sa milyon milyong nakapaligid sa akin dito sa lupang kinalalagyan na tinatawag na Pilipinas. Mas maswerte pa rin ako kaysa sa mga tulad kong mayroong paa’t kamay, paningin, pangamoy, panglasa, pandinig, pakiramdam at damdamin sa lupa ng India at Africa. Pero maswerte pa rin kaya ako kumpara sa kaparehas kong tubo sa lupa ng Europa?
Bakit ko ba hinahanap ang kasagutan dito?
—
“Just when you feel you’ve lost, and you have so little left, look around and appreciate even the smallest trinket you’ve got.”
Do things really happen for a reason? Or we just want to make a reason out of all that’s happening? A couple of weeks ago, we were required to watch a rendition of Contemporary Dance by dance majors from the college of music. We barely understood a thing from their 10 or so numbers. It kept us disturbed and uneasy until the end, even weeks after when we talked about it. Why do we make meaning of the world around us? Can’t things happen and just slip through the minutes and days? Perhaps it can’t; it can’t leave you the same and unaffected.
—
With something this big and important, what do i do?
‘Tong summer ko naman oh. Sumasabay sa panahon- umaaraw, umuulan. Pero ang sakin, umuulan umaaraw. Sana ganun din ngayong buwan ng Mayo. Sana, sana, sana- umuulan ngayon, aaraw bukas.
Paano ko to sasabihin sa mommy ko? Paano ko to sasabihin sa tita ko?
Paano ako?
Ayoko pang mag-June. Malungkot parin kaya doon? Sana hindi. Pero siguro, katulad nung HS,ayoko pang mag kolehiyo pero nung dumating ang araw ay hanada na pala ako.
Paano na ko? Abot lamang ng tanaw ko ay ang lumilinaw na kahapon at ang daan na pilit kong binubuno para sa aking bukas. At ang ngayon? Tila hindi pa lubusang bukas (namumutaan pa hahaha) ang aking mga mata sa kasalukuyan.
Paano?
Paano?
Paano?
> Boar,oh mahn. I understand just how hard it is to nurse a broken heart… Probably no one knows how to get through it the easiest possible way, no one knows how but just keep on
*hugs
[ hindi binasa uli so maraming mali mali
]